Rep. Yap, tiwalang masesertipikahang urgent ang panukalang 2022 budget

By Angellic Jordan August 23, 2021 - 02:37 PM

Naniniwala si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap ng masesertipikahan bilang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2022 national budget.

Ayon kay Yap, makikipagpulong siya, kasama si House Speaker Lord Allan Velasco kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa darating na Huwebes, August 26.

Layong maipaliwanag sa Ehekutibo kung bakit kailangang masertipikahang urgent ang panukalang General Appropriations Act (GAA) para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.

Sinabi ng mambabatas na ang 2022 national budget ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng bansa, ngunit maigsi aniya ang panahon ng Kongreso para tapusin ang deliberasyon at paghimay sa panukalang pondo.

Magbe-break kasi ang Kongreso para sa paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2022 national and local elections.

Ani Yap, mayroon lamang humigit-kumulang isang buwan ang Kamara para tapusin ang deliberasyon at pagpasa sa panukalang pondo.

Tiwala naman si Yap na mauunawaan at pagbibigyan ng Pangulo ang hirit na sertipikahang urgent ang panukalang 2022 national budget dahil hindi naman ito para sa Kongreso o sa Ehekutibo, kundi para sa mga Pilipino.

TAGS: 2022budget, 2022fund, 2022GAA, 2022nationalbudget, EricYap, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 2022budget, 2022fund, 2022GAA, 2022nationalbudget, EricYap, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.