ECQ hindi umubra sa Central Visayas, Northern Mindanao – Duque
Hindi nangyari ang target na mapababa sa pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) ang bilang ng COVID 19 cases sa Central Visayas at Northern Mindanao.
Ito ang ibinahagi ni Health Sec. Francisco Duque III matapos aniya ang kanyang emergency meeting sa kanyang mga opisyal at regional directors.
Kinailangan pa aniya na umalis sa online Go Negosyo forum para pamunuan ang emergency meeting.
“After this I am having an emergency meeting with our under secretaries and regional directors where there is a sustained high community transmission of COVID-19 in regions such as Region 7-Central Visayas and also Region 10-Northern Mindanao,” sabi nito.
Aniya nakakabahala na sa kabila nang pagpapalawig ng ECQ ay walang naging pagbabago.
Base sa huling datos mula sa DOH, may 8,884 active COVID 19 cases sa Central Visayas at 5,517 naman sa Northern Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.