Hustisya sa pinatay na ex-tabloid editor pinatitiyak ni Sen. Leila de Lima
Humahaba pa ang listahan ng mga napapatay na mamamahayag sa administrasyong-Duterte.
Ito ang puna ni Sen. Leila de Lima kasabay nang pagkondena niya sa pagpatay kay Gwen Salamida noong Agosto 17 sa loob ng pag-aari nitong salon sa Quezon City.
Dagdag nito, dapat tiyakin ni PNP Chief Guillermo Eleazar na mabibigyan ng hustisya si Salamida matapos siguruhin ng huli na inaalam na ng mga imbestigador ang lahat ng posibleng motibo sa kaso.
“Mariin nating kinokondena ang isa na namang karumal-dumal na pagpatay sa kawani ng media. Kailangang magsagawa ng mabilis at patas na imbestigasyon para mapanagot ang nasa likod ng krimen na ito, kung hindi ay mapapabilang lang ito sa mga numero ng mga walang pinatutunguhang kaso ng pamamaslang,” sabi pa nito.
Dahil sa pangyayari, umaasa si de Lima na mapapabilis na ang pagpasa ng ipinanukala niyang Journalist Protection Act of 2020 na kanyang inihain noong Mayo ng nakaraang taon.
“Instead of threatening them, we need to safeguard the welfare of our journalists considering the dangerous and even life-threatening circumstances they encounter on a daily basis. This is the least that we can do for them as they continue to serve the public despite the dangers of their jobs,” dagdag pa ng senadora.
Tiniyak ng salarin na hindi mabubuhay si Salamida dahil sa dalawang beses na binarily sa ulo ang biktima, bukod sa dalawa pang tama ng bala sa katawan.
Binaril din ang kaibigan ni Salamida at nanatiling itong nasa kritikal na kondisyon sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.