Benepisyo ng mga health workers, pinababayaran ni Pangulong Duterte sa loob ng 10 araw

By Chona Yu August 21, 2021 - 04:21 PM

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management para bayaran ang mga benepisyo ng mga health workers.

Ayon sa Pangulo, gamitin na ng DOH at DBM ang ano mang natitirang pera at ibayad sa mga health workers.

“Iyong mga nagrereklamong frontliners about their allowances, or about whatever, pati itong volunteers na magbakuna, I am ordering Secretary Duque, bayaran mo. Use whatever money there is,” pahayag ng Pangulo.

“It’s an order, Secretary Duque, bayaran mo ‘yung mga hinihingi ng nurses, both in government and outside. Pag wala kang pera, gastusin mo lahat ng ano diyan,” dagdag ng Pangulo.

Kung wala aniyang pera ang DBM at DOH, utos ng Pangulo, manghiram ng pera sa ibang ahensya.

“Wala kayong personnel? Borrow from other agencies or from kung saan. Magkuha kayo ng mga empleyado. Hiraman kayo. Bigay mo yung pera kay Secretary Duque tapos bayaran niya. Walang hinahawakan yan na pera si Secretary Duque,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

TAGS: benepisyo, DBM, doh, health workers, Rodrigo Duterte, benepisyo, DBM, doh, health workers, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.