Mga pangakong napako ng Dito Telecom pinabubusisi sa Kongreso

By Jan Escosio August 21, 2021 - 01:43 PM

Hiniling ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na maimbestigahan sa Kamara ang mga sumablay na pangako ng Dito Telecommunity.

Sinabi ni Castro na dapat ay patawan ng angkop na multa ang ikinukunsiderang ‘third major telco’ sa bansa base sa ibinigay sa kanilang prangkisa ng Kongreso.

“Nag-oppose kami diyan sa Dito Telco na ‘yan dahil before pa aprubahan ang another 25 years franchise niyan, wala naming natupad sa mga promise nito,” sabi ni Castro.

Ipinaalala din ng mambabatas na kontrolado ito ng China Telecom kayat hindi maiaalis na banta ito sa pambansang seguridad.

Nabanggit din ni Castro na nakarating sa kanyang kaalaman na hindi natupad ng Dito ang pangako na seserbisyuhan ang 37 porsiyento ng populasyon ng bansa, na ibinase nila sa 2015 population data pa.

Nabigo din aniya ang Dito na matupad ang pangako na pananatilihin ang average minimum internet speed na 27Mbps ngunit sa isinagawang test ay nasa 3Mbps lang.

Dapat din, sabi pa ni Castro, ungkatin ang datos mula sa National Telecommunications Commission n 1,600 cellsites pa lang ang naipatayo ng Dito base sa technical auditing gayung nangako ito ng 2,500 cellsites.

Nabanggit pa ng mambabatas na dapat ay ang mga mahihirap at marginalized sectors ng lipunan ang naseserbisyuhan ng Dito, ngunit ang rollout nito ay nasa highly urbanized areas sa Visayas at Mindanao, maging sa Metro Manila.

Hindi rin pabor aniya sa mahihirap na kailangan silang bumili ng 4G mobile devices para magamit ang serbisyo ng Dito kayat hindi din ito napapakinabangan sa distance learning system.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.