LabanLeila2022 para kay Sen. Leila de Lima inilunsad sa Cebu
Opisyal nang nailunsad sa Cebu ang campaign network na ‘LabanLeila2022’ para sa reelection bid ni Senator Leila de Lima.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni de Lima ang kanyang mga volunteer-supporters sa kanilang patuloy na paniniwala at pagtitiwala sa paglaban sa katotohanan at hustisya.
Ito aniya ang nagbigay sa kanya ng determinasyon na muling kumandidato sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon.
“I chose to fight back. My continuing persecution only strengthened my determination to see this battle to the end, in justice and vindication. We have been living precariously in a shrinking democratic space for the past 5 years, where the price for speaking your mind, or for simply being poor, is persecution or death. Despite this, our people refuse to be silenced. What right do I have to give up?” tanong nito.
Pinangunahan naman ni dating Interior Usec. Francisco Fernandez ang paglulunsad ng LabanLeila2022 sa Cebu at nagbigay din ng kanyang mensahe ng suporta si Cebu Vice Gov. Junjun Davide.
Kabilang naman sa kanyang mga volunteers ay mula sa Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid at mula sa hanay ng mga kabataan, kababaihan, maralitang taga-lungsod at sektor ng agrikultura.
“It is largely because of people like you who continue believing in me, who soldier on in our shared causes that my story refuses to go down the dustbin of irrelevance and obscurity. It has become a part of our people’s continuing struggle for truth and justice. A part of a far greater narrative, I must say,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.