House-to-house vaccination para sa mga bedridden sa Caloocan, ikinasa na
Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang mobile vaccination o house-to-house vaccination para sa mga bedridden na walang kapasidad makapunta sa vaccination sites, araw ng Biyernes (August 20).
Nagbabahay-bahay ang Mobile Vaccination Team upang mabakunahan ang bedridden senior citizens o persons with disability (PWDs) gamit ang Janssen vaccines.
Ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ikinasa ang mobile vaccination upang mabigyan ng mabisang proteksyon laban sa COVID-19 ang mga hindi kayang pumunta sa vaccination sites.
“Batid natin na kahit hindi sila lumalabas ng kanilang bahay ay kailangan pa rin nila ng proteksyon dahil mas vulnerable o madali silang kapitan ng sakit,” pahayag ng alkalde.
Nagpasalamat naman si Malapitan sa mga health worker, partikular na sa bumubuo ng Mobile Vaccination Team na sangkot sa naturang programa.
Para sa mga nais magpa-schedule sa mobile vaccination, maaring makipag-ugnayan sa Office of the Senior Citizens Affairs sa numerong 288 88 11 loc 2258 o sa Persons With Disabilities Affairs Office sa numerong 288 88 11 local 2269.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.