Meralco rate hike, hiniling ng isang partylist solon na huwag ituloy

By Jan Escosio August 20, 2021 - 03:54 PM

Muling umapela si Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa Meralco na huwag nang ituloy ang pagtaas ng singil sa halaga ng kuryente sa buwan ng Agosto.

Sinabi ni Zarate na layon lang naman niyang mabawasan ang pasanin ng mga konsyumer na aniya ay hirap na hirap na rin dahil sa pandemya.

Himutok ng mambababatas, hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang power distributor sa kanyang apela.

Kasabay nito, sinabi ni Zarate na nagmimistulang walang silbi ang regulatory agencies, ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), para pigilan ang pagtaas ng halaga ng kuryente dahil sa EPIRA o Electric Power Industry Reform Act.

“This is the problem with EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) and the deregulation, our regulatory agencies, DOE & ERC, are apparently becoming or made useless or inutile to prevent these increases in the midst of grave crisis aggravated by the pandemic,” sabi ng mambabatas.

Ikinalungkot din ni Zarate na mas inuuna ng Meralco ang kikitain nito kaysa kapakanan ng kanilang mga consumer at aniya hindi ikakalugi ang dapat na dagdag-singil dahil noong nakaraang taon at kumita pa ang power distributor ng P21.7 bilyon.

TAGS: CarlosZarate, InquirerNews, Meralco, PowerRateHike, RadyoInquirerNews, CarlosZarate, InquirerNews, Meralco, PowerRateHike, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.