Dating Usec. Lao, hindi mag-aatubiling dumalo sa pagdinig ng Senado ukol sa overpriced face masks
Hindi mag-aatubili si dating Budget Undersecretary Llyod Christopher Lao na dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa kwestyunableng paglilipat ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) Procurement Service Office sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Lao, ito ay para mabigyang linaw ang kontrobersiya ang kinukwestyong procurement process, maging ang anila’y overpriced na face shield at face mask, at kawalan ng MOA sa pagitan ng DBM at DOH.
Aniya, marami ang agad na nagduda o nagkaroon ng sariling palagay sa usapin, kahit hindi pa nila batid ang mga tunay na nangyari.
Mandato aniya ng PS-DBM na saluhin ang procurement process para sa common supplies na kakailanganin ng government offices, tulad ng face mask, at face shield, lalo’t mayroong prosesong sinusunod sa pagbili ng mga supply na ito, tulad ng bidding process, at hindi naman aniya lahat ng tanggapan ng pamahalaan, ay kaya itong gawin, o mayroong sapat na tao o panahon upang tutukan ang mga teknikalidad sa prosesong ito.
Ayon kay Lao, mainam na ring makadalo siya sa pagdinig ng Senado, lalo’t ito ang tamang venue upang mailatag at ipaliwanag ang kinukwestyong pagbili ng face mask at face shield.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.