BuCor, humingi ng tulong sa LGU para mahanap ang mga kanak ng mga namatay na preso sa Bilibid
Humingi ng tulong ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga local government unit (LGU), karamihan sa northern parts sa bansa, na hanapin ang mga kaanak ng pitong namatay na persons deprived of liberty o PDL sa New Bilibid Prison.
Inatasan ang BuCor ARTA Section na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng LGU upang matulungang maipagbigay-alam sa pamilya ng mga preso.
Ipinadala ang liham sa pamamagitan ng email sa probinsya ng Pangasinan, Cagayan, Bulacan at Baguio City.
“This is a good practice and reflects well of our sincere brand of public service,” pahayag ni Asec. Gabriel Chaclag, Deputy Director General for Administartion (DDGA) ng Bucor.
Tiniyak ng BuCor na istriktong nasusunod ang polisiya sa mga nasawing bilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.