Quarantine pass sa Metro Manila, hindi na kailangan, curfew iiral pa rin
Hindi na kailangan ang quarantine pass sa Metro Manila.
Ito ay matapos luwagan ang quarantine restrictions at ibaba sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila simula sa August 21 hanggang 31 mula sa enhanced community quarantine.
Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na tumatayong chairman ng Metro Manila Council, kahit hindi na kailangan ang quarantine pass, patuloy namang iiral ang curfew hour sa Metro Manila.
Ipinatutupad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.
Ipinauubaya naman ng Metro Manila council sa mga local government units kung ipatutupad ang liquor ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.