Napanatili ng Tropical Depression Isang ang lakas habang tinatahak ang Philippine Sea East of Extreme Northern Luzon.
Base sa 5:00 am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng tropical depression sa 1, 110 kilometers east ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng tropical depression ang hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang tropical depression sa west nrothwestward direction sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, walang direktang epekto sa panahon sa Pilipinas ang tropical depression at hindi rin magdadala ng malakas nap ag-ulan.
Inaasahang lalabas ng bansa ang tropical depression bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.