NCR, Laguna isasailalim sa MECQ simula August 21 hanggang 31
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) at Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 21 hanggang 31, 2021.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ipapatupad din ang MECQ sa probinsya ng Bataan simula August 23 hanggang 31, 2021.
“These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns,” saad nito.
Kasunod nito, ipinag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na paigtingin ang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies, at sumunod sa minimum public health standards.
Ani Roque, hindi pa rin papayagan ang indoor at al-fresco dine-in services, at personal care services tulad ng salons, barbershops, at nail spas.
Mananatili ring virtual ang pagdaraos ng religious gatherings sa NCR, Bataan at Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.