Roque, 10 beses nang tinawagan si Santiago para magpaliwanag sa P10-M halaga ng PPA facility sa La Union

By Chona Yu August 19, 2021 - 03:58 PM

PPA photo

Sampung beses nang tinawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago para pagpaliwanagin kaugnay sa ipinatatayong P10 milyong halaga ng infinity pool at mga kwarto sa Ports Management Office-Northern Luzon of the Philippine Ports Authority sa san Fernando La Union.

Pero ayon kay Roque, hindi sinasagot ni Santiago ang kanyang mga tawag.

Pinuna kasi ng Commission on Audit (COA) ang P10 milyong halaga ng infinity pool ng PPA dahil pagsasayang lang ng pondo.

Ipinupunto ng COA na mandato ng PPA na mag-develop at mag-operate ng rationalized national port system sa bansa para masuportahan ang trade at national development.

Ayon kay Roque, nais niya sanang depensahan ang infinity pool pero hindi naman sinagot ni Santiago ang kanyang mga tawag.

Katunayan, sinabi ni Roque na sumangguni na siya kay Transportation Secretary Arthur Tugade para sagutin sana ni Santiago ang kanyang mga tawag.

Ayon kay Roque, maaring naniniwala si Santiago na hindi karapat-dapat na sagutin ang kanyang mga tawag dahil isa lamang siyang hamak na Presidential spokesperson o opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pagdating po sa PPA, ilang beses ko na pong tinawagan si GM jay Daniel Santiago, hindi po ako sinasagot, siguro po, mga sampung beses na akong tumawag sa kanya. Nais ko pong depensahan ang kanyang infinity pool, pero kung hindi po niya ako sasagutin, wala po akong magagawa. Sumangguni na po ako kay Secretary Tugade, para sagutin ang tawag ko ni GM Santiago. Siguro po sabi ni GM Santiago, hindi niya karadapat-dapat sagutin ang mga tawag ko, dahil hamak lang akong Presidential Spokesperson,” pahayag ni Roque.

TAGS: HarryRoque, InquirerNews, JaySantiago, ppa, PPAfacility, RadyoInquirerNews, HarryRoque, InquirerNews, JaySantiago, ppa, PPAfacility, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.