US evacuation sa Afghanistan hindi binubulabog ng Taliban government
Ibinahagi ni US President Joe Biden na nakikipagtulungan naman ang Taliban forces sa ginagawang pagpapalikas sa US citizens sa Afghanistan.
Ngunit ayon kay Biden, nahihirapan naman sila na mailikas ang kanilang Afghan allies.
“They’re cooperating, letting American citizens get out, American personnel get out, embassies get out, etcetera, but they’re having — we’re having some more difficulty having those who helped us when we were in there,” sabi nito sa isang panayam sa telebisyon.
Kasabay nito, tiniyak ni Biden na mananatili ang kanilang puwersa sa Afghanistan hanggang sa mailikas na nila ang lahat ng kanilang mamamayan sa bansa na napasakamay ng Taliban forces.
Sa katapusan ng kasalukuyang buwan ang itinakdang ‘deadline’ para sa tuluyang pag-alis ng mga Amerikano sa naturang bansa.
“Americans should understand that we’re going to try to get it done before August 31st. If there’s American citizens left, we’re gonna stay to get them all out,” diin nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.