Hinihingi na higit P5T 2022 national budget para dapat sa trabaho, kabuhayan – Gatchalian

By Jan Escosio August 19, 2021 - 10:45 AM

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na sa hinihingi na higit P5 trilyong national budget sa susunod na taon dapat ay patuloy na buhusan ng pondo ang mga programa na magbibigay trabaho at kabuhayan sa mamamayan.

“Ang taong 2022 ay COVID-19-year pa rin. Dapat tutukan pa rin natin ang paglaban sa COVID-19 kaya ibig sabihin kailangan ng sapat na pondong pambili ng vaccines, hospital support, medical frontliners’ support at suporta sa mga gamot na panlaban sa COVID-19,” sabi ni Gatchalian.

 

Napakahalaga aniya sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ang na matulungan ang mga maliliit na negosyo para makabangon sila hanggang sa 2023.

 

“Dapat merong suporta ang gobyerno para sa maliliit na negosyo. For example, standby capital na hindi utang. Kapital ang ibibigay natin. Kung ikaw halimbawa ay isang established na negosyo at naapektuhan ka ng COVID-19, dapat ay mabigyan ka ng standby capital para meron nang puhunan para sa 2023 at mabilis nang makakabangon,” dagdag pa nito.

 

Ayon pa kay Gatchalian hindi naman maapektuhan ng pagbibitiw ni Budget Sec. Wendel Avisado ang mga mangyayaring deliberasyon sa pambansang paggasta sa susunod na taon.

 

Inanunsiyo ng Malakanyang na sa Lunes, Agosto 23, ay ipapasa na sa Kongreso ang 2022 National Expenditure Program.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.