PNP Chief Eleazar lumambot sa matigas na ‘COA audit’ statement

By Jan Escosio August 19, 2021 - 10:05 AM

Matapos ulanin ng kaliwat kanan na batikos sa social media matapos sabihin na hindi dapat ibinabahagi ng Commission on Audit (COA) sa media ang kanilang audit reports, binawi ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang kanyang naging pahayag kahapon.

“I stand corrected,” ang sabi ni Eleazar, na ibinahagi na kagabi ay nakipag-usap siya sa ilan sa kanyang mga ospital at naliwanagan ukol sa proseso ng paggasta ng pera ng mga ahensiya, gayundin ang mga ginagawa ng COA.

Inamin din ng hepe ng pambansang pulisya na nalaman niya na hindi naglalabas ng press statements ang COA at ang kanilang audit reports ay ipino-post sa kanilang website.

Sinabi pa nito na ginagawa na rin ng COA ang kanyang nabanggit kahapon sa pamamagitan nang pagpapadala ng kanilang ‘observations’ sa mga ahensiya para maayos ang lahat.

Kasunod nito, inatasna ni Eleazar ang lahat ng kanilang Police Regional Offices, National Administrative Support Units, National Operational Support Units at National Headquarters na paghusayin pa ang kanilang koordinasyon sa ‘resident auditors.’

Paliwanag niya ito ay para hindi pagdudahan ang PNP sa paggasta ng pondo at pag-isipan na may katiwalian sa kanilang hanay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.