TESDA Chief Lapeña sinabing hinahanap ng COA na P160M ginasta sa mga dating rebelde

By Jan Escosio August 18, 2021 - 06:24 PM

Ipinaliwanag ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña ang pinaggamitan ng P160 milyon na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Lapeña ang naturang halaga ay ginastos sa ibat-ibang programa para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Gayundin aniya sa mga residente ng mga liblib na lugar kasama na ang mga katutubo.

Paliwanag nito, siya ang namumuno sa Poverty Reduction, Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC) gayundin din ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conlict (RTF-ELCAC) kayat aniya aktibo sila sa mga programa naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ibinahagi nito na nang malaman niya ang ulat ng COA, agad niyang ipina-ipon ang mga dokumento at aniya sa kinuwestiyong higit P160 milyon, higit P147.38 milyon ang ipinamahagi nila sa kanilang regional offices at ang naiwang P12.7 milyon naman ay ginamit sa pagpapatupad ng Executive Order No. 70.

Pagtitiyak pa ng opisyal na may sinusunod silang protocols para sa maayos na pagpapalabas ng kanilang pondo at ang lahat ng mga dokumento ay isinumite nila sa COA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.