COVID-19 vaccination program sa bansa, bahagyang bumagal dahil sa pag-iral ng ECQ sa NCR

By Chona Yu August 18, 2021 - 05:20 PM

Manila PIO photo

Aminado si Dr. Ted Herbosa, ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, na bahagyang bumagal ang vaccination program ng pamahalaan habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Herbosa na napansin nila na mula sa dating 700,000 kada araw na nababakunahan, bumaba ito sa 500,000 kada araw.

Pinag-aralan aniya nila kung ano ang dahilan nito at lumalabas na ang kakulangan sa manpower at ang hindi steady na suplay ng bakuna ang dahilan.

Kaya naman, base sa aniya sa resulta ng kanilang pulong sa NTF, plano nilang gamitin na rin ang graduating medical students bilang vaccinators.

Ayon kay Herbosa, sumailalim naman sa training ang mga ito at kayang gawin ang pagbabakuna.

Napag-usapan din aniya na maglalaan ng allowance para sa kanila, approval na lamang ang kinakailangan para rito at para sila maging vaccinators.

Umaasa si Herbosa na maliban sa graduating medical students ay madagdagan pa ang pwersa ng pamahalaan na magbabakuna para magtuloy tuloy lamang ang bakunahan pagkatapos ng panahon ng ECQ sa Biyernes, August 20.

Sa National Capital Region, sinabi ni Herbosa na nasa halos 40 porsyento na ng A1 hanggang A5 ang nabakunahan na.

Halos 30 porsyento hanggang 40 posyento aniya ng delivery ng bakuna sa bansa ay ibinuhos sa NCR.

Sa nauna nang pahayag ng Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na gagamitin na rin bilang vaccinators ang mga pharmacist, medical intern at underboard medical student.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TedHerbosa, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TedHerbosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.