Afghans na magpapakupkop sa Pilipinas sasailalim sa evaluation – DOJ chief

By Jan Escosio August 18, 2021 - 01:43 PM

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi naman basta-basta na tatanggapin at tatanggihan ang Afghans na nais mabigyan ng ‘refugee status’ sa Pilipinas.

Ginawa ni Guevarra ang paglilinaw matapos ianunsiyo ng Malakanyang na handa ang Pilipinas na tanggapin ang Afghan refugees matapos bumagsak sa kamay ng Taliban ang kanilang bansa.

Paliwanag ng kalihim ang Afghan nationals na darating sa bansa at hihiling na mabigyan ng permanent refugee status ay kinakailangan na masuri ng DOJ – Refugees and Stateless Persons Unit.

Ito aniya ay upang madetermina kung pasado sila sa international standards para mabigyan ng refugee status.

Dagdag pa ni Guevarra, kung kakailanganin ay maaring tumulong ang NBI at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pagdetermina kung ang Afghan nationals ay maaring maging banta sa seguridad ng bansa.

Sa dakong huli, ang Bureau of Immigration ang magpo-proseso ang mga aplikasyon para sa mga kinakailangang dokumento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.