Healthcare frontliners sa mga ospital sa Maynila ipinagdasal ng isang pari
Ipinagdasal ng isang Katolikong pari ang mga medical at health frontliners sa mga ospital sa lungsod ng Maynila.
Unang pinuntahan ni Fr. Hansa Magdurulang, assistant parish priest ng San Felipe Neri Church sa Mandaluyong City, ang Jose Abad Santos General Hospital.
Kasunod nito ay nagpunta naman siya sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, bago sa Ospital ng Tondo.
Sinabi ni Magdurulang na ipinalangin niya na maging ligtas ang lahat ng healthcare frontliners para maipagpatuloy nila ang pagtupad sa kanilang mga tungkulin ngayon nanatili ang pandemya dala ng COVID 19.
Dagdag pa niya nais din niyang palakasin ang buhay-ispirituwal ng mga pangunahing nag-aalaga sa mga may-sakit at nangangailangan ng atensyong-medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.