P4.2M halaga ng COVID 19 rapid test kits nasamsam ng PAF agents
Nakumpiskahan ng mga ahente ng Philippine Air Force (PAF) ang apat na lalaki ng may P4.2 milyong halaga ng COVID 19 Rapid Test Kits na ilegal na ipinagbili sa pamamagitan ng online transaction.
Sa impormasyon mula kay Lt. Col. Maynard Mariano, ng PAF – Public Affairs Office, katuwang nila ang mga tauhan ng CIDG – Quezon City Field Unit sa ikinasang operasyon kahapon sa Pasig City.
Aniya kabuuang 21,000 units ng Konsung test kits ang nakumpiska at ito ay ipinagbili ng P200 bawat isa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabags a RA 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.
Ipinagbabawal ng FDA ang online selling ng COVID 19 anti-body test kits kahit ang mga ito ay may sertipikasyon pa ng ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.