Arjo Atayde, 9 pang artista at crew nag-positive sa COVID 19 sa Baguio City shooting

By Jan Escosio August 18, 2021 - 12:31 PM

Ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na 10 showbiz personalities, kabilang na si Kapamilya actor Arjo Atayde, ang nagpositibo sa COVID 19.

 

Ayon kay Magalong, siyam sa mga artista at crew ay nasa isolation facility na, samantalang si Atayde ay nagbalik ng Metro Manila kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang swab test.

 

Nabatid na ang mga ito ay nanatili sa lungsod ng dalawang buwan para sa kanilang shooting.

 

Inilitanya din ni Magalong na may may pangako sa kanila na hindi nasunod ng production staff.

 

“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble,pero hindi nangyari, nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi ng Maynila at pagbalik ay hindi na dumadaan ng triage.Tapos, yong monthly na testing commitment nila ay hindi nagawa, so ito ang nangyari ngayon, they are 10 people out of 100 sa grupo nila at mga crew ang nag-positive,” sabi pa ng contact tracing czar ng bansa.

 

Nangangamba si Magalong na dahil sa ginawa ni Atayde ay maaring may mga nahawa na siyang ibang tao.

 

Iniimbestigahan na ng pamahalaang-lungsod kung may nangyaring mga ‘breach of protocols’ habang isinasagawa ang shooting ng isang pelikula.

 

Binabantayan na ang 90 pang bahagi ng shooting na ngayon ay naka-quarantine sa isang hotel.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.