Pilipinas, handang tumanggap ng refugee mula sa Afghanistan

By Chona Yu August 17, 2021 - 05:38 PM

Reuters photo

Nakahanda ang Pilipinas na tumanggap ng refugee mula sa Afghanistan.

Pahayag ito ng Palasyo matapos makubkob ng puwersa ng Taliban ang Afghanistan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, welcome ang sinumang asylum seekers sa bansa.

Inihalimbawa ni Roque noong mga nakalipas na panahon na tumanggap ang bansa ng mga refugee o mga naghahanap ng asylum galing sa Russia, o kaya ay noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig na maging mga hudyo aniya ay pinatuloy ng pamahalaan dito sa bansa.

Ayon kay Roque, lahat ng nangangailangan ng kalinga at pini-persecute sa kanilang bayan ay mayroong lugar sa Pilipinas.

Sa ngayon ay maraming mga Afghan national ang nagnanais na makalabas ng kanilang bansa dahil sa pangamba sa kanilang buhay at sa naghihintay na uri ng pamumuhay sa ilalim ng bagong Taliban government.

TAGS: afghanistan, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, afghanistan, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.