Publiko pinayuhang iwasan ang pag-hoard ng oxygen tanks, medical equipment

By Angellic Jordan August 16, 2021 - 04:04 PM

PHOTO; PNP FB

Umapela si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa publiko na iwasan ang pag-hoard ng medical equipment and supplies, partikular ang oxygen tanks.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Eleazar na babantayan ng kanilang hanay ang sinumang magho-hoard ng medical equipment at supplies sa panahon na nakararanas ng public health crisis.

“Sa gitna ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa, ang PNP ay nagpapaalala sa publiko na iwasan ang paghoard ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies,” pahayag ng hepe ng PNP.

Dagdag pa nito, “Patuloy na magbabantay ang PNP upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.”

Humiling ang PNP Chief na agad i-report sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng impormasyon sa pagho-hoard ng medical equipment at supplies ng ilang indibiduwal.

Sinabi rin nito na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa naturang usapin.

“Mahalaga ang oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies ngayong nasa gitna tayo ng pandemya kaya’t sana magkaroon tayo ng malasakit sa ating kapwa lalo na sa mga mas nangangailangan ng mga ito,” saad ni Eleazar.

Matatandaang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na walang shortage sa suplay ng medical grade oxygen ngunit hinikayat ang publiko na huwag mag-hoard nito para sa kanilang bahay upang hindi magkulang ang suplay.

TAGS: GuillermoEleazar, InquirerNews, oxygentanks, RadyoInquirerNews, GuillermoEleazar, InquirerNews, oxygentanks, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.