Pagbibigay ng abot-kayang serbisyong medikal, tuloy-tuloy – Sen. Go

By Jan Escosio August 16, 2021 - 12:10 PM

Mayroon ng Malasakit Center sa lahat ng lalawigan na bumubuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos personal na pasinayaan ni Senator Christopher Go ang ika-135th Malasakit Center sa Basilan General Hospital sa Isabela City.

 

Sinabi ni Go na patunay lang ito ng patuloy na pagtupad ng administrasyong-Duterte na maitaas ang kalidad at maging abot-kaya para sa lahat ang serbisyo-medikal ng gobyerno sa lahat ng panig ng bansa.

 

May Malasakit Center na sa Maguindanao Provincial Hospital at Cotabato Sanitarium sa Maguindanao; Sulu Provincial Hospital sa Jolo; Datu Halun Sakilan Memorial Hospital sa Tawi-Tawi; Pakpak Medical Center sa Marawi City; at Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.

 

Ibinahagi ng senador na base sa kanyang obserbasyon na maging sa mga pampublikong ospital sa bansa, maituturing pa rin na kakaunti ang nabibigyan ng serbisyo na mga tunay na naghihirap sa buhay.

 

Aniya kaya isinulong niya na maging ganap na batas ang Malasakit Center Act ay upang mabawasan na ang intindihin ng mga mahihirap na kailangan ma-confine sa mga ospital sa pamamagitan ng pagbibigay tulong-pinansiyal sa kanila ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.