6.4M senior citizens sa bansa ang hindi pa bakunado, partylist solon may apila

By Jan Escosio August 16, 2021 - 10:27 AM

Senior Citizen Partylist photo

Hinimok muli ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo Ordanes ang mga kapwa niya nakakatanda na magpabakuna ng proteksyon laban sa COVID 19.

Ang apila ni Ordanes ay base sa datos na sa humigit kumulang 10 milyon senior citizens sa bansa, 25 porsiyento pa lamang ang bakunado.

Sa datos na inilabas ng World Health Organization (WHO) kamakailan, may 6.4 milyon pa sa mga nasa A-2 priority group, ang hindi nababakunahan.

Bunga nito, naalarma si WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa datos dahil kabilang ang senior citizens na itinuturing na ‘most vulnerable’ sa COVID 19 dahil sila ang madalas na makaranas na severe hanggang critical symptoms ng nakakamatay na sakit.

Ito rin ang labis na ikinababahala ni Ordanes kayat pakiusap niya sa mga kapwa nakakatanda na kung mag pagkakataon naman na mabakunahan na sila ay samantalahin na ang oportunidad.

“Kasi po kahit  anong agam-agam natin sa side effects ng bakuna, hindi pa rin matutumbasan ang proteksyon na naibibigay ng bakuna,” diin ng mambababatas.

Dagdag pakiusap pa niya sa mga seniors, iwasan ang mga tinatawag na ‘home remedies’ tulad ng pagmumog ng mainit na tubig na may asin para proteksyon sa COVID 19.

Paalala lang din ni Ordanes ang madalas na ibinibilin ng mga eksperto na bukod sa pagsunod sa minimum health protocols – pagsuot ng mask at face shield, social distancing at paghuhugas ng kamay, ang bakuna ang nagsisilbing proteksyon sa COVID 19.

“Ang bakuna ay hindi lang proteksyon sa atin, kundi maging sa mga mahal natin sa buhay. Makakaiwas din tayo sa paggasta ng malaking halaga kung kakailanganin na madala sa ospital,” bilin pa ni Ordanes.

Sinabi pa nito na ang mga nakakatandang mamamayan ng bansa ay dapat din na nagsisilbing ehemplo sa mga nakakabata kayat dapat ay kinakalimutan na ang mga pagdududa at pangamba sa bakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.