Central database ng fully-vaccinated inihirit ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio August 16, 2021 - 10:19 AM

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng centralized database system ng lahat ng mga fully-vaccinated sa bansa.

Ikinatuwiran ni Gatchalian, ito ay para sa mas maayos na monitoring ng mga nabakunahan kasunod na rin ng mga ulat na may nakakuha na ng kanilang booster shots sa kabila ng limitadong suplay pa rin ng COVID 19 vaccines sa bansa.

Ipinanukala din ng senador na maisama sa database ang mga nabakunahan dahil ginastusan ng pribadong sektor.

“Dapat matagal na itong centralized database dahil dito natin makikita kung merong nag-doble sa pagpapabakuna. Hindi natin maiiwasan minsan na merong ilan na hindi lang isa ang address. Nakakalungkot na merong nananamantala ng sitwasyon. ‘Yung iba, nagpabakuna na sa isang LGU tapos nagpabooster shot pa sa ibang LGU. Kung may centralized database tayo, mabilis at maiiwasan ang ganitong pananamantala lalo na’t marami pa ang hindi nababakunahan,” diin ng senador.

Sinabi pa nito na dapat ay isinusumite ng pribadong sektor ang listahan ng mga nabakunahan nilang empleado, maging ang kapamilya ng mga ito.

Kasabay nito, ipinagdiinan din ang pagkakaroon ng uniform vaccination card sa bansa para kilalanin sa ibang bansa.

Ang Deparment of Information and Communication Technology (DICT) ay inihahanda na ang VaxCertPH katuwang ang DOH base sa gabay ng World Health Organization (WHO).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.