Magandang buhay ng mga Filipino, ipinangako ni Vice Pres. Jejomar Binay

By Mariel Cruz April 28, 2016 - 02:18 PM

binay smilingNangako si United Nationalist Alliance standard bearer Vice President Jejomar Binay na bibigyan niya ng magandang buhay ang mga Filipino dahil naranasan na ang pagiging mahirap.

Sa kanyang campaign rally sa Tabaco City sa Albay, humingi siya ng suporta sa paglaban sa kahirapan na kinakaharap ng bansa ngayon.

Kung mahahalal na bagong pangulo, tiniyak ni Binay na ipagpapatuloy niya ang anti-poverty programs na kanyang sinimulan noong siya pa ang alkalde ng Makati sa buong bansa.

Ani Binay, sa Makati walang namamatay na mahirap dahil sa sakit at kahirapan at ipinangako niya na mangyayari ito sa buong bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Maipagmamalaki ko sa inyo na sa Makati, walang namamatay na mahirap dahil sa sakit at dahil sa kahirapan. Wala po iyon. Iyon po ang aking ipinapangakong gagawin ko sa inyo.” pahayag ni Binay.

Kasabay nito, sinabi rin ni Binay na nirerespeto niya ang buhay ng bawat tao at binibigyan ng dignidad ang kababaihan.

Aabot sa sampung libong supporters ang dumalo sa campaign rally ni Binay sa Tabaco City, Albay.

TAGS: VP Binay, VP Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.