Mayor Moreno, may handog para sa mga senior sa Maynila
Naglunsad ang Manila City government ng programang “COVID-19 Senior Supplemental Kit: Alalay sa Buhay.”
Inihanda na ang naturang programa bago isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.
Bawat supplemental kit ay naglalaman nh 400 gramo ng Ensure na gatas, 100 capsules ng Ascorbic Acid na bitamina, at isang card na nagsasaad ng instruksyon paano gamitin ang mga nasabing supplemental.
“Ang nutrisyon ay importante sa akin. Maproteksyunan kayo, mabakunahan kayo, may nutrisyon kayo pandagdag laban natin sa COVID-19,” pahayag ni Moreno.
Tinatayang 150,000 senior citizens sa Maynila ang makatatanggap ng tulong pangkalusugan.
Inatasan ng alkalde ang mga barangay chairman at mga kawani nito na agad ipamahagi sa bahay-bahay ang supplement kit.
“Ito ay tungkol sa kalusugan ng nanay at tatay natin at lolo’t lola natin na senior citizen. The least thing that we can do is deliver yung kakailanganin na nutrisyon, dagdag proteksyon ng ating mga lolo’t lola, nanay at tatay na senior citizen,” dagdag ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.