Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 206.25 milyon
Pumalo na sa 206.25 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 206,254,882 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 37,203,649 cases.
Sumunod na rito ang India na may 32,117,826 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 20,285,067 naman ang kaso sa Brazil habang 6,534,791 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,398,983
– United Kingdom – 6,179,506
– Turkey – 6,018,485
– Argentina – 5,066,253
– Colombia – 4,856,595
– Spain – 4,677,883
– Italy – 4,420,429
– Iran – 4,320,266
– Germany – 3,814,316
– Indonesia – 3,774,155
– Mexico – 3,045,571
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,348,272 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 185,105,477 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.