65 anyos pataas maari nang lumabas ng bahay para sa COC filing
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang mga kakandidato sa 2022 national elections na nag-eedad 65 anyos pataas na makalabas ng bahay para personal na makapaghain ng certificate of candidacies sa national office at designated field offices ng Commission on Elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ikukunsidera ng Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang mga ito mula October 1 hanggang 8, 2021 kahit na ano pa man ang community quarantine classifications sa kanilang lugar at vaccination status.
“IATF allowed persons over the age of 65 to go out of their residences to personally file their certificates of candidacy in the national office and designated field offices of the Commission on Elections,” pahayag ni Roque.
Matatandaang itinakda ng Comelec ang filing ng certificate of candidacies mula October 1 hanggang 8.
Hindi pinapayagan na makalabas ng bahay ang mga nag-eedad 65 anyos pataas dahil sa banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.