Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
By Angellic Jordan August 12, 2021 - 04:48 PM
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 154 kilometers Southeast ng Governor Generoso.
Naramdaman ang pagyanig bandang 4:17 ng hapon.
Siyam na kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities sa mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.