‘No ECQ disconnection policy’ ng Meralco dapat tularan – Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio August 12, 2021 - 10:59 AM

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na atasan ang ibang distribution utilities (DUs) na tularan ang Meralco sa pagpapatupad ng ‘no disconnection policy’ sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Kasabay nito, inulit ni Gatchalian ang kanyang panawagan sa mga kinauukulang ahensiya, lalo na ang mga lokal na pamahalaan, na payagan ang onsite meter reading para madetermina ang aktuwal na konsumo ng kuryente ng konsyumer.

“We don’t want a repeat of last year’s ‘bill shock.’ We’ve had enough of this in the past and both the consumers and the DUs should have learned from what happened. If consumers will be billed appropriately, then they would not have any reason why they should not settle their obligation on a later date,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Energy.

Katuwiran naman nito sa kanyang apila sa hindi pagpuputol ng suplay ng kuryente sa mga hindi pa nakakabayad; “marami sa ating mga kababayan ang hirap sa buhay. Anumang dagdag palugit sa kanilang mga naipong bayarin ay malaking kaginhawaan lalo na’t inaasahang maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa ilalim ng ECQ.”

Diin ni Gatchalian konsiderasyon na lang sa dinadanas na hirap ng maraming konsyumer ang hindi sila mawalan ng kuryente ngayon tumitindi pa ang banta dulot ng pandemya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.