LPA, habagat magpapaulan sa Luzon

By Angellic Jordan August 11, 2021 - 06:31 PM

DOST PAGASA satellite image

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 395 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes dakong 3:00 ng hapon.

Mas mataas pa rin aniya ang tsansa na malusaw ang LPA.

Gayunman, magdudulot pa rin ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Samantala, umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Northern Luzon.

Patuloy na mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa malaking bahagi ng Luzon, partikular sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales at Bataan.

Sa nalalabi namang parte ng bansa, kabilang ang buong Visayas at Mindanao, asahan pa rin ang maaliwalas na panahon.

Maaring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dahil naman sa pamumuo ng localized thunderstorms.

TAGS: habagat, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, weatherupdate, habagat, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.