70 hanggang 100 COVID-19 cases, naitatala kada araw sa Caloocan

By Chona Yu August 11, 2021 - 02:48 PM

Photo credit: Mayor Oscar “OCA” Malapitan/Facebook

Pumalo na sa 650 na kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, nasa 70 hanggang 100 kaso ng COVID-19 ang naitatala sa lungsod kada araw.

Mahigit doble na aniya ito dahil noong mga nakaraang buwan, pumapalo lamang sa 30 kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Caloocan.

Bagamat mahigit doble ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, sinabi ni Malapitan na nasa 50 porsyento pa lamang ang bed capacity sa mga ospital.

Hindi pa aniya nagsisiksikan ang mga quarantine facility sa lungsod.

Sinabi pa ni Malapitan na nasa 700,000 katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Caloocan.

Kalahati sa naturang bilang ay nakatanggap na ng second dose.

TAGS: COVIDcases, InquirerNews, MayorOcaMalapitan, RadyoInquirerNews, COVIDcases, InquirerNews, MayorOcaMalapitan, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.