Hinimok ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Transportation (DOTr) na tiyakin ang kaligtasan ng Authorized Persons Outside Residence (APORs) kasabay ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi ni Hontiveros na 80 porsiyento ng mga komyuter sa Metro Manila ay sumasakay sa mga pampublikong sasakyan kaya’t dapat ay nakakatiyak sila sa kanilang kaligtasan sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon pa sa senadora, dapat ay napapanatili ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan at dapat ay regular ding nadi-disinfect ang ito.
Idinagdag pa ni Hontiveros na dapat ay sapat din ang bilang ng bumibiyaheng public utility vehicles (PUVs) para sa APORs.
“Nagkakaroon ng siksikan sa pila dahil kulang ang dumarating na sasakyan. Even before this lockdown ay may reported incidents tayo na mahaba ang pila at umaapaw ang pasahero lalo na pag rush hour. Hindi ito dapat nangyayari,” diin nito.
Kasabay nito, pinatitiyak din ni Hontiveros sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ang lahat ng mga pangunahin at mahahalagang ruta ay may bumibiyaheng PUVs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.