P4.5-M halaga ng ukay-ukay, nasamsam sa Iloilo

By Angellic Jordan August 10, 2021 - 02:25 PM

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo ang P4.5 milyong halaga ng ukay-ukay sa isang storage facility sa Jaro, Iloilo City.

Sa pamamagitan ng Letter of Authority na inilabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nag-inspeksyon sa naturang pasilidad ang grupo.

Dito nadiskubre ang ilang sako ng mga segunda-manong damit o ukay-ukay.

Nagsagawa sina Customs Examiners Jessie Nallos, Danielle Marie Saludares at Liane Galeno ng inventory sa mga kontrabando.

Naglabas din ng warrant of seizure and detention laban sa mga kontrabando dahil sa paglabag sa Section 118 (g) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kinalaman sa Republic Act 4653 na nagbabawal sa importasyon ng ukay-ukay sa commercial quantity para sa proteksyon ng kalusugan ng publiko.

TAGS: BOC, InquirerNews, RadyoInquirerOnline, UkayUkay, BOC, InquirerNews, RadyoInquirerOnline, UkayUkay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.