Pag-exercise sa labas ng bahay sa Metro Manila bawal muna
Naglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na pansamantalang nagbabawal ng pag-exercise sa labas ng bahay ngayon umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos layon lang ng resolusyon na mapag-ingatan pa ang kalusugan ng mga taga-Metro Manila.
Napagkasunduan ng 17 mayors na bumubuo sa MMC ang resolusyon sa ikatlong araw nang muling pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ipinairal ang ECQ sa kapitolyong rehiyon ng bansa para mapigilan pa ang pagdami ng mga nahahawa ng COVID-19, gayundin dahil sa banta ng mas mapanganib na Delta variant.
Ang MMC ang nagtulak sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pairalin ang ECQ sa Metro Manila bilang hakbang para mapigilan pa ang pagsirit ng mga kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.