Pagbabakuna sa mga kabataan laban sa COVID-19 panahon na

By Erwin Aguilon August 10, 2021 - 08:29 AM

 

Iginiit ni AP Partylist Representative Ronnie Ong na panahon na upang isama ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination program ang mga kabataan sa bansa. Ayon kay Ong, kailangang pag-aralang mabuti ang bakunahan sa mga kabataan partikular sa mga edad 12 hanggang 17-anyos dahil marami sa kanila ang nagkakasakit na ng COVID-19. Kung mayroon na aniyang matibay na ebidensya at may sapat na pag-aaral na may COVID-19 vaccine na uubra na sa nabanggit na age group ay mainam nang ikasa ang bakunahan para sa mga kabataan lalo na ang may comorbidities o may nararanasang sakit. Inihalimbawa ni Ong ang bakuna ng Pfizer, na naisyuhan ng “authorization” sa Estados Unidos para sa pediatric at adolescent vaccinations. Nauna ng sinabi ni vaccine czar  Secretary Carlito Galvez Jr. na tinitingnan na ng gobyerno na mabakunahan na ang 12 hanggang 17-anyos sa Setyembre o Oktubre dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19 pero naka-depende pa rin ito sa supply ng mga bakuna. Pahayag ito ni Ong, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan umaakyat na rin ang bilang ng mga kabataan tinatamaan ng sakit.

TAGS: COVID-19, Kabataan, pfizer, ronnie ong, vaccine, COVID-19, Kabataan, pfizer, ronnie ong, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.