Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa bansa.
Batay sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng trough ng umiiral na low pressure area (LPA).
Magdadala ito ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Eastern Samar; Samar; Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Bohol sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan naman ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.