DOH chief sinuportahan ang pagpababakuna sa mga menor de edad

By Jan Escosio August 09, 2021 - 10:34 AM

Sinang-ayunan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon na bakunahin na rin ng COVID 19 vaccine ang mga menor-de-edad.

 

Ayon kay Duque ang pagpababakuna ay ikinukunsidera na ng kanilang vaccine expert panel at kailangan lang matukoy sino sa mga bata ang uunahin.

 

Binanggit nito ang mga bata at kabataang may comorbidities na sa kanyang palagay ay dapat unang mabakunahan.

 

Aniya sa ulat ng Philippine General Hospital, sa anim na batang COVID 19 patients, dalawa ang may comorbidities.

 

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na sa pagtatapos ng Setyembre o Oktubre ay maaring magsimula na ang pagpababakuna sa mga edad 12 hanggang 17.

 

Samantala, sa ngayon, tanging ang Pfizer COVID 19 vaccine pa lamang ay may emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) para maiturok sa mga may edad 12 hanggang 15.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.