P10.894-B financial assistance sa NCR, inilabas na ng DBM
Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P10. 894 bilyong pondo na ipang-aayuda sa 10.9 milyong residente o 80 porsyento ng populasyon sa Metro Manila na apektado ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon sa DBM, ang total funding requirement ay naka-charge sa certified savings mula sa fiscal year 2020 Continuing Appropriations.
Sinabi pa ng DBM na ang naturang cash aid ay direktang ire-release sa Bureau of Treasury patungo sa local government units (LGUs).
Idadaan ito sa iba’t ibang authorized government servicing banks.
“Upon receipt of the funds, the LGUs shall facilitate and determine the most efficient and effective way for the provision of financial assistance to their constituents,” pahayag ng DBM.
P1,000 hanggang P4,000 kada pamilya ang maaring matanggap na ayuda.
“In addition, the distribution of the assistance will be monitored by the Department of the Interior and Local Government and the Department of Social Welfare and Development,” pahayag ng DBM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.