Dahil sa napakaraming reklamo, ipinahinto na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, ang serbisyo ng Quick Reliable Service (QRS).
Ang QRS ang official service provider ng DFA sa passport delivery.
Sinabi ni Locsin ang desisyon ay bunsod ng napakaraming reklamo at kalituhan sa serbisyo ng QRS sa pagdeliver ng passport sa kabila ng extra na bayad ng mga aplikante.
Naghahanap na ang kagawaran ng ipapalit sa QRS, ayon kay Foreign Affairs Asec. Eduardo Meñez.
Nabatid na ang QRS ay may kaugnayan sa APO Printing, na nag-iimprenta ng Philippine passports.
Pumasok ang kompaniya sa DFA para sa passport delivery sa kalagitnaan ng pandemya noong nakaraang taon at pinalitan ang LBC – DFA Multi-Purpose Cooperative, na ikinagulat ng mga kawani ng kagawaran.
Ngayon ay umaani din ng batikos ang DFA sa online scheduling system ng passport appointment at pinaiimbestigahan na rin nh Locsin ang pagbebenta sa Facebook ng passport appointment sa halagang P3,800 per slot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.