Suspek sa pagbili ng P1.1M halaga ng mga alak gamit ang credit card ni Sen. Win Gatchalian nahuli

By Jan Escosio August 06, 2021 - 11:06 AM

Senate PRIB photo

Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad na malilitis ang lahat ng mga mahuhuling credit card fraudsters, gayundin ang mga sangkot sa identity theft at iba pang uri ng cybercrime.

Kasunod ito nang pagkakahuli ng NBI sa isang Julius Anacin, isa sa mga suspek na gumamit ng credit card ng senador upang bumili ng P1.1 milyong halaga ng mga alak sa pamamagitan ng online delivery app noong nakaraang Enero.

Ayon kay Gatchalian kinakailangang kumilos ng lehislatura para sa batas na mas magpapalakas ng pagbibigay proteksyon sa mga credit card user.

Sinabi niya na ito ang layon ng inihain niyang Senate Bill No. 2287 o ang Financial Products and Services Consumer Protection Act at aniya suportadi na ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) gayundin ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX).

“Kailangan nating pairalin ang batas para panagutin at hindi na pamarisan ang mga ganitong iligal na gawain. Hindi ito simpleng libangan dahil alam ng mga kawatan na may mga nilalabag silang batas. Higit sa perang ninanakaw nila, sensitibo ang lahat ng mga impormasyong makukuha sa mga biktima,” diin nito.

Pinuri na rin ni Gatchalian ang NBI sa pagkakahuli sa isa sa mga nang-‘hack’ sa kanyang credit card account.

TAGS: alak, credit card, credit card fraudsters, online delivery, Sherwin Gatchalian, alak, credit card, credit card fraudsters, online delivery, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.