P1-M halaga ng solar-powered irrigation system ibinigay sa mga magsasaka sa Batangas

By Chona Yu August 06, 2021 - 10:18 AM

(DAR photo)

Aabot sa P1 milyong halaga ng solar powered irrigation system ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka sa Brgy. Escribano, San Juan, Batangas.

Ayon kay kay Bureau of Agrarian Reform Beneficiaries Development (BARBD) Assistant Director Acmad Calaca, layunin ng proyekto na matulunga ang mga magsasaga na mapataas ang kanilang kita at maiangat ang kanilang mga pamumuhay.

Aabot sa 73 na agrarian reform beneficiaries ang nakinabang sa naturang proyekto.

Sa pamamagitan ng SPIS, maisusulong ang pagpapaunlad ng moderno, naaangkop, sulit sa halaga, at ligtas sa kapaligiran na makinarya at kagamitan upang  maging  produktibo at maayos ang pagsasaka.

“Sa tulong ng SPIS, mababawasan ang gastos ng mga magsasaka dahil hindi na sila bibili ng gasolina para sa kanilang mga generator set, sa halip ay gagamitin nila ang sikat ng araw para sa operasyon ng kanilang mga makinarya. Kung mayroong sapat na init mula sa araw, ay makakapagbigay ito ng mas maraming tubig. Kaya, makakapagbigay ito ng seguridad sa  pagkain at madagdagan ang kita ng ARB,” pahayag ni Calaca

 

TAGS: Assistant Director Acmad Calaca, Batangas, DAR, solar powered irrigation system, Assistant Director Acmad Calaca, Batangas, DAR, solar powered irrigation system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.