Epektibo na ngayong araw ang dalawang linggong enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ipinatupad ang lockdown sa Metro Manila dahil sa tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 variant lalo na ang Delta variant.
Sa boundary ng Cavite at Las Pinas, pahirapan na ang mga motorista sa pagdaan sa mga checkpoint.
Mahaba rin ang pila ng mga sasakyan sa boundary ng Montalban papasok ng Metro Manila.
Dahil nasa ECQ ang Metro Manila, tanging ang mga authorized persons outside residence ang pinapayagan na makatawid sa ibang siyudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.