Karagdagang 1-M doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac, dumating sa bansa
Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang isang milyong dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech.
Mula sa Beijing, China lumapag ang Philippine Airlines A330 flight na lulan ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 pasado 7:00 ng gabi.
Ang naturang batch ng mga bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Mismong si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna.
Sa ngayon, nasa 38.2 milyon na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine na natanggap ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.