Organizers ng mga community pantry, pinayuhan na makipag-ugnayan sa LGUs bago magbigay ng ayuda
Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga organizer ng community pantries na makipag-ugnayan muna sa local government units bago magbigay ng ayuda sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangang aprubado ng LGU ang isang community pantry.
“Well, ang sagot ko po diyan kay Buena. Buena kinakailangan makipag-ugnayan po, lahat ng mga humanitarian agencies, pati mga community pantries sa LGUs. Kasi ang anyo po ng ECQ, lahat dapat homeliners, except kung bibili o kukuha ng pangangailangan,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, naiintindihan ng Palasyo ang pagkakaroon ng humanitarian relief para matulungan ang mga walang pangbili ng pagkain.
“Naiintindihan natin na importunate ang humanitarian relief para doon sa mga wala talagang pambili ng pagkain, pero they have to coordinate with the LGUs. Papayagan po siguro iyan kung papayagan ng LGU; LGU ang magdi-designate kung saan at LGU ang magsasabi at magpapatupad ng health protocols kung sila nga po ay papayagan,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.