Uk ambassador pinasalamatan ni Pangulong Duterte dahil sa AstraZeneca vaccines

By Chona Yu August 05, 2021 - 06:59 AM

(Palace photo)

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna with the rank of Datu o Grand Cross Gold Distinction si Ambassador Daniel Robert Pruce ng United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland.

Nabatid na nag-farewell call kagabi si Pruce kay Pangulong Duterte sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang Grand Cross Gold Distinction ay isang illustrious award na iginagawad ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga natatanging indibidwal.

Pinasalamatan ng Pangulo si Pruce dahil sa naging kontribusyon nito para lagdaan ang tripartite agreement sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas, local government units at private sector para makabili ang bansa ng mga bakuna kontra COVID-19 na gawa ng AstraZeneca.

Sa ngayon, nasa 415,000 doses na ng AstraZeneca ang nai-donate ng pamahalaan ng United Kingdom sa Pilipinas.

Malaking papel din ang ginampanan ni Pruce para sa pagpapalakas saa ekonomiya at political presence ng dalawang bansa.

Naitulak din ni Pruce ang pagsasapinal ng memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom para sa recruitment ng Filipino health professionals.

Sa panig ni Pruce, nagpasalamat ito kay Pangulong Duterte dahil sa suporta na ibinigay sa United Kingdom dahilan para mapalakas ang bilateral ties gaya sa political at defense cooperation, trade and investment, people-to-people exchanges pati na ang paglaban sa pandemya sa COVID-19.

August 2017 nang italaga si Pruce bilang Ambassador to the Philippines.

Bago ang pagkakatalaga sa Pilipinas, nagsilbing Deputy Head of Mission ng British Embassy sa Madrid si pruce noong 2012 hanggang 2016.

Nagsilbi ring Ambassador si Pruce sa Bangkok noong 2008 hanggang 2012.

TAGS: Ambassador Daniel Robert Pruce, AstraZeneca, Grand cross Gold Distinction, Rodrigo Duterte, Ambassador Daniel Robert Pruce, AstraZeneca, Grand cross Gold Distinction, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.